paaLam kaibigan!

Saturday, September 30, 2006

ang araw nato ay lubhang nakakalungkot sa amin...at higit sa lahat ay sa pamilya ng aking yumaong kaklase nung fourth year high school at kaibigan...
hindi man kami sbrang close ni gLen...ay talagang nakakalungkot! hindi nga naming napigilang umiyak...
namatay si GLEN dahil sa sakit sa puso...sobrang hindi kami makapaniwala...
at nagyong nga ay pumunta kami sa kanila sa Tingga para sa ihatid sa huling hantungan ang aming kaibigann..hay...


paalam GLEN...
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 5:52 PM, | 4 comments

ang lamig ng simoy ng hangin...

Friday, September 29, 2006
image hosting file




hayz...ang lamig ahh..dahil ba sa may bagyo oh dahil sa "ber" na....nararamdaman ko na ang simoy ng pasko..hehe..

sana ang paskong darating ay maging masaya sa bawat sa isa..ang hiling ko ay ang pag-ibig sa puso ng bawat isa..hehe..
pasko na pasko na..ilang days na lang kaya?!tinatamad akong tumingin sa kalendaryo..
pero alam ko pasko na!

sana sa pasko ay magkasama-sama kami ng aking mahal sa buhay...
at ang hiling ko din sa iyo kaibigan ay isang mapayapa at puno ng pag-ibig para sa mga in lab jan..(ehemm...)


Merry Christmas everyone..gift ko hah..hehe

 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 8:15 PM, | 5 comments

PRESSED by kuya and sHina sa bagyong Milenyo

Wednesday, September 27, 2006

mauLan ang buong araw...malamig...

kahapon pa ako natatakam sa 'pinindot'...at sa wakas.nakatikim din ako ngayon..balak ko talagang magluto, buti na lang dumating si
kuya at si sHina at may tumulong sa akin na magluto...haha...maliwag pa lang gumawa ng 'press-press' hehe..lalo na ang pag-gagata..si kuya na lang ang hinayaan kong gumawa...actually siya naman talaga ang nagluto..hehe..at masasabi kong masarap naman talga!promiz..nakakaumay lang talaga..hehe..pero lasa namang pinindot ahh..tikman nyu pa..yummy..masarap!lalo na kung may bagyo..at malamig ang panahon..
P.S.
bonus pa, nagluto ako ng 'tinola' at infairness masarap din ha
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 9:05 PM, | 6 comments

kanta daw ni kuYa??

Tuesday, September 26, 2006
Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamy, di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan






kanta yan sa akin ng kuya ko...oh di ba ang sweet...sarap pakinggan.at yan ay kanta ko rin sa'yo!
it feels so good na may nag-aalaga sayo, di ba?!
pero di ko ring masasabi na anjan sya forever..dahil alam kong dadating ang time na iiwan din nya ako...for example..mag-aasawa na sya..huhu..
pero as long as he is with me..pinapahalagahan ko...thank you,
kuya!

 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 2:09 PM, | 2 comments

Mga kaGanapaN sa Aming 1weEk SportsFesT

Monday, September 25, 2006
Ipagpaumanhin nyu poh kung naunahan namin kayo ni kuya raI magUpload ng pix..hehe





Cool Slideshows





ang mga larawang inyong matutunghayan ay kuha ng mga pinaghahanap , sa outerspace...
kung makita nyu sila ay ipagbigay-alam sa awtoridad..salamat!
infairness ha..cute naman sila ahh..nyehehe
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 3:06 PM, | 3 comments

anung meron NOON, na wala NGAYON??

Tuesday, September 19, 2006
hindi ko masasabing super saya ang aming sportsfest ngayon tulad nung san taon...
nuon kasi, kaya kami nag over-all champion( yup totoo nagover-all) ksi talgang may team work kami..as in lahat nakikijoin kahit mapahiya na at kahit hindi marunong...
samantalng ngayon,ewan ko ba..I cannot say na super cooperative ako, pero bumabawi na lang ako sa pag suporta sa kanila..kahit na wala na kong boses (kc di pa gumagaling ang aking ubo at sipon,jahe nga eh) pero masaya na rin ako dahil sa kabila ng hndi masyadong pakikiisa ng iba naming kagrup ay nagkakaroon ng way para magkalapit-lapit ang 1st yir 2nd yir..dami ko ngang mas nakilala..tulad ng akala ko na matataray na iba eh mabait pala..hayz..ang saya ko dahil madami akong nakakaclose..weh..ang gulo ko no?..haha..
wish ko lang na mag over-all kami..hehe..sana may outing..haha..! pero kahit na hindi magover-all, okz lemeng at naging masays naman..at alam kong ang sportsfest na ito ang magiging daan para maging masaya uli ang triple I.T. kahit wala na ang iba...
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 6:48 PM, | 3 comments

viCe-veRsa

Saturday, September 16, 2006
"bawat kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan", at " bawat kalungkutan ay may kasunod na kasiyahan"

bakit kaya ganito ang buhay?? masama mang mag-reklamo, hindi mapigilan...
bakit sa tuwing nadarama mo ang kasiyahan i-expect mo na may sad moment din..
bakit hindi na lang puro saya?? kaya nga natatakot akong maging super saya at baka may biglang malungkot na mangyari..hayz.. ganyan talaga...every circumstances in you life, matuto ka!!
ang araw na to sa akin puno ng dismaya, pighati at simpatya...in short 'PROBLEMA'..
kakapagod na rin eh..sana makayanan ko pang lumaban...

naks..ang drama ng lola mo!! haha..pero seryoso ako ha...

keep smilin every1.. ;)
be thankful of what you have!!
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 1:23 PM, | 3 comments

A day sa SM..

Friday, September 15, 2006
waaah...ang araw na ito ay lubhang masagana..
masagana sa pagkain...haha..


pumasok ako, akala ko may klase..yun pala wala?! (ssshhh..wag nyu pagsasabi baka bawiin baon ko) so, napagkasunduan namin ni marifi na magpuntang bay mall..kumanta sya doon..at pinahanga na naman ang mga tao sa boses nyang mala-sirena...nang makaramdam ng gutom ay nag-isip ng makakainan.. ang napagkasubduan ay magpunta ng SM at duon lumafang..bago, kumain ay nagpagutom muna kasama ko si
wendy at maffy..Ang unag destinasyon ay sa Quantum, kumanta muna uli si marifi ng halos makalagot-hiningang awitin..waaaah..ang galing nya, infairness!!
At yun napadpad na kami sa kainan..haha..sa greenwhich..i love garlic bread..hehe..
at nang matapos ay nag-ikot-ikot at kumanta uli..hayz..ang gastos talagang kasama ni maffy..hahaha...at nag mapunta sa supermarket ay napabili na naman ng chichirya at drinks..at nag kinakain na namin sa Food court ay napatingin sa bilihan ng waffle..waaah...napabili na naman kami!! kakagutom at parang walang kabubusugan ang aming mga tiyan haha..ewan ko nga ba kung anong meron sa araw na ito at sobra kami kung mag -enjoy..haha.."that's LIFE! We have to enjoy every moment...
salamat poh at nabusog kami!!
keep smilin' everyone!
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 9:01 PM, | 2 comments

sabay-sabay...

Wednesday, September 13, 2006


hayz ang sama ng pakiramdam ko i have a running nose...pero kaylangang maging masaya at harapin ang pang-araw-araw na gawain!
aba, dalawang pag susulit ang kinuha namin... ang una ay ang programming test namin kay sir rexel..waah..ang galing kong gumawa ng form design !! pero codes..haha..wala akong maisulatkaya hindi ako makapag parun.. hay, how can i have a good job?? sa september 18 pa namn ang submission, so sa mga marurunong jan, need ko help nyu!! teinkz in advance!!
ang pangalawa, TESDA actual test sa mga 'encoder'..waah..P140.00 ang bayad kaylangang kumuha eh para maiisue-han ng S.O)!! on the spot! madali lang naman kaso... nakakalito! ang nakakparessure!! at hoooh..yung sipon ko, papam-pam... thanks GOD tapos na rin at nakapasa naman ako ata...
sana gumaling na ako, para masaya ang badminton namin bukas!
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 3:23 PM, | 2 comments

nga naman...

Monday, September 11, 2006
lunes!!
Exam namin sa
PERDEV..
kaya naman hanggang banyo eh dala-dala ko ang xerox na aking pinag-aaralan..haha.eh paano kagabi babad sa internet haha..pagdating sa skul..kanya-kanyang aralan...kinabahan pa ko at hindi pakukuhanin ang wala pang bayad sa tuition... buti na lang nakalimutan ata ni
ma'am..hehe..
Hayz sayang lang ang pinag-aralan ko dahil napakasimpleng essay lang pala ang tanong...pero ok na rin at may natutunan ako...
pagkatapos, nagkayayaan sa bay mall at magkakantahan ang magagaling na sina
marifi at shyla...pagkarinig ko sa pambirit nilang kabosesan ay nauna na akong lumisan sapagkat ang mga officer ay magmimiting..
naging masaya naman at exciting ang aming meeting dahil ito ay patungkol sa aming nadarating "SportsFest"..nga naman, di pa nagsisimula ang laban ay puro palitan na ng ma-aanghang na salita na aking narinig mula sa BLUE at BLACK team ko,mananalo kami!
maganda ang araw na ito, kaya lang magkakasipon ata ako..achuuuu....!
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 9:33 PM, | 7 comments

linggo...

Sunday, September 10, 2006
maaga akong nagising dahil sa kaingayan ng aking selepono, na inalarm ko nga pala kagabi..hayz...
linggo naman kaya dapat maaga ako..sisimba pa kasi at bago pa makakilos mga tao dito sa bahay, pagsabagal!
nagpainit ng tubig at nagkape...maya-maya eh nagwalis sa harap ng bakuran...daming dahon..
pagkatingin ko sa aking selepono ay nabasa ko ang text ng aking ninang na magsaing daw ako at magluto ng itlog...painainit ko ang kawali at nagtext muna ko kay
kuya bundz..maya-maya may narinig akong pumipilantik, yun pala yung kawali ko sobrang init na!! waah muntik na akong makasunog...
afterwards, pagkakain, nagliguan na!suot ko ngayun yung bigay na palda ni
mam rems.Actually, ang ganda mya!ewan ko lang kung bagay sa akin..haha.(try kong iahabol ang pix ko na suot ung skirt.Honestly inantok ako sa simbahan..pero may natutunan naman ako for the day! nung uwian na, sa service, nahilo ako dahil siguro sa amoy ng mga batang naglaro sa araw at dahil nagtetext ako..hayz buti na lang nawala nung kumain ako..haha..
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 3:39 PM, | 2 comments

watta berks...

Thursday, September 07, 2006

cool to'










salamat sa cyberpinoy!


hayz..ang saya-saya talga pag kasama ko ang mga kaibigan ko...graduating na kami so dapat i-enjoy namin ang bawat pagsasama namin..nga pla nung burthday ko yan nung aug.30,hehe, tsuri di me nakapag invite at kunti lemeng ang handa,hehe..
oh lapit na ang sportsfest at siguradong sandamukal na kasiyahan nanaman ang magaganap, hayz i can't wait!
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 11:58 AM, | 0 comments

kay ganda ng musika!

Wednesday, September 06, 2006

doo bi doo bi doo..heheh
hay sarap talagang makinig ng musics...di kumpleto ang araw ko pag di ko naririnig mga paborito kong kanta...kung magaling lang akong kumanta mas lalo na di ba...kasi naman pang - banyo lang yung voice ko...
sobrang ganda talaga n
g mga kanta..hehe..sarap mag- emote!! huh!!! at halos lahat ng kanta na lab songs nakakarelate ako ..wahaha..

ikaw anong kanta ng buhay mo?? magpapa CD-write ka ga? may alam ako kung saan mura..hehe

 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 12:11 PM, | 4 comments

disi- otso na ako!!


First of all, teinks sa mga pagbati nyo at paghalubilo nyo sa aking munting salu-salo...


yak..ang tanda ko na pla! pero talagang hinadi ko pa rin nararamdaman ang aking ganap na pagkadalagahan..hayz..(expression from kuya bundang)
anu bang dapat baguhan? do i have to change myself because my age is for a full-grown lady?(tama ba grammar?hehe) siguro, ang dapat baguhin ko lemeng ay yung mga nakakaiyamot sa paningin ng iba..hayz..ginugutom na naman ako..pero salamat kay mam at pinayagan kaming mag-internet..yahoo!!( anong konek nun sa aking pagkadalga??hehe)
Back to the topic...di ko pa talagang umasta na dalaga eh..dadating din tayo sa point na yan..
pero now..i'm still enjoying of being a teen...
Di ko pa kayang magsuot ng mga high heels and sleeveless ..waah..baduy nga akong manamit ika ng kapatid kong kahit aano eh kayang isuot..hayz..sana kahit ganito pa rin
ako, ISIP BATA eh ok lemeng...edad lang naman ang tumatanda eh..pero ang pag-iisip..hindi..hehe..ciao!
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 11:12 AM, | 2 comments