ayaw

Tuesday, February 20, 2007









hay..buhay..ilang araw na ren akong puyat.walang tulog at walang kain hehe..hirap nako.wahahahuhu...pero di ako pwedeng sumuko.

Kahapon,kami ng aking mga agay(term for ineng) shena at maffy ay nagpunta sa bayan para wala mamasyal kahit wala kaming pera,naglakad kami...maya-maya nagutom na kami at niyakag ko sila sa palengke upang kumain..tama, sa palengke kami kumain..malinis naman dun..bago pumunta sa kainan eh napadaan at natakam sa tindahan ng mangga..weeehh..asim at bumili kami sa aming panghimagas,,wala pa kaming pera nyan ha...nakkatuwa dahil pag kaming tatlo ang magkakasama talagang hindi mawawala ang pagkain sa labas....


maya-maya, nagpunta kami sa simbahan, lumuhod kami at nagdasal.Paglabas sa simbahan napaupo sa plaza at napatingin sa tindahan ng halo-halo..sabi ko..hay.kakauhaw..nagtanong kami kung magkano ang halo-halo.kinse daw..weeeh amahal eh ang unti naman! Naglakad-lakad kami at napapunta sa Jenny's eatery..yun beinte daw..edi 'GO' na kami dahil pina-utang kami ni maffy..haha..maya-maya ang ganda ng mga kanta sa kainan at napagkwentuhan namin ang tungkol sa graduation..at napaiyak nako..habang kumakain ng halo-halo napaluha na kami..hay..para kaming baliw dun...kakalungkot..gusto na naming matapos ang mga thesis pero ayaw pa naming gumaraduate..at ngayon habang tinatayp ko ito ang kanta eh"FAREWELL" ano ba yan...goodbye na ba to'?!
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 10:32 AM, | 5 comments

happy heart's day!

Wednesday, February 14, 2007



happy puso everyone! wahaha..sino gang may mga kadate jan?share naman...hmmm...san ang punta ngayong araw na to?anong balak? hmpph..buti pa kayo..eh ako maghapon sa school tapos pagkalabas deretso agad sa trabaho...wehehe..sabi nga ni mam teks alam daw nyang may date ako..ahaha..opo mam,meron sana kaso.walang time eh..hectic sked eh! wahaha..kayo ga sino ang date natin jan...dame tao siguro sa mall..hmm..

anyway..happy heart's day to all of you..luv you all! may all your hearts fill with love and happiness with your partners in life!
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 12:29 PM, | 4 comments

ang saya..pero...

Monday, February 12, 2007

-=my manager=-


-= may workmates sa crew room=-

Madami nang nagbago saken mula ng magkaroon ako ng trabaho, at natutuwa naman ako sa mga pagbabagong ito...sobrang dami ko ng kaibigan at alam kong tunay silang kaibigan...mswerte nga talaga pag alam mong madami kang kaibgan..pero alam nyu bang ang dami ko na ding sacrifices sa trabaho kong ito...ang hirap,una, inaantok ako sa klase at di na tuloy nakakapakinig lalo na kung walang nagpapatawa sa klase...kakabagot! pangalawa-hindi na ako makapaglakwatsa!..hehe..limited na yung time ko..pangatlo-nahihirapan ako, pag pinapagalitan ako ng general manager namin-lam nyu yung feeling na wala ka namang gingawang mali,pero para sa kanya, lahat ng nakikita nya saken mali! ang hirap kaya nun..parang hate nya ako...hay..kase ganito yun,sa una palang,parang di nako feel nung manager ko yung,then,nagkaroon ng palitan sa ng manager, Robinson-Lipa to Sm Btangas, sabi nila sobrang tapang daw nung ipapalit,pero nung nakilala ko sya! hindi naman..mas feel ko pa sya! as in..kaya lang nakakalungkot nga lang at nagpalit na uli sila at balik na naman dun sa mabagsik saking manager...hays..sana makaya ko pa sya hanggang Endo ko..hirap kase..kaya nga yaw ko siya kaduty- =( But all in all-masya ako at maswerte dahil kahit papano may nassweldo ako...
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 8:54 AM, | 4 comments

moments with my friends and ate sashing!

Monday, February 05, 2007

pebrero na! araw na ng mga puso..yipee..hehe...okei lang na walang ka-date..ako? kontento na ako na kasama ko ang aking mga mahal na kaibigan..namimiss ko na sila..hindi ko na sila nakakasama...minsan na lang akong makapag-gala...naiss ko na ang pag-punta namin sa 'Bay Mall' ang pagtambay namin sa videokehan... itong mga kuhang ito ang namimiss ko....pano kaya yun,gusto ko nang makagraduate ngunit ayaw ko pang mapahiwalay sa kanila.. "FRIENDS ARE THE BEST COMPANION EVER!"











TRIVIA:
Nag-EB kami ninaate sasha,mam teks and mam rems-saya!

Labels: ,

 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 11:29 AM, | 6 comments