outing with the KADA....

Sunday, November 05, 2006

San nanaman ako galing??
kahapon...Nov. 4, napagpasyahan na magkakaroon ng outing kaming magkakalase..ngunit, subalit..hindi nakasama lahat..konti lang kami..pero masaya..9 kaming mejo normal na tao at isang paranorma(ung kapre)l..

ganito yun..si rOnie ang nagpasimuno sa outing na ito sa Simlong daw..eh kaso nagwowork sya KFC at ang tinapatan pa nyang sked ay 11 ata to 7..something like that...so sabi ko mag-early out na sya...
tagpuan sa aming bahay, ala-1 pa lang nagdadatingan na...tas nang magkakasama na dapat uuna na kami eh biglang may humarang sa amin at inivite kaming umatend ng isang orientation with free meal daw, so nung narinig namin yun eh..sabi agad eh..tara..tara..sayang..haha..ayun hanggang sa ginabi na kami at napagpasyahang intayin na si ronie sa paradahan... 10 minutes later...nainip ako, so sabi ko punta tayong SM kaunin na natin si ronie..so sumama si aybeh at ray-an sa kin..pag dating dun dame tao at busy pa si ronie...so umakyat muna kami at nandon pa daw si jericho Rosales..at yun nakita nga namin,, so gwapo..mga arouen 6:45 na yun...hay naku eh itong si ronie ay pinag over time pa dahil ang daming tao...so ang ginawa namin para matuloy ay umuna na kaming 5 nina shina best, jayson, ray-an at aybeh.. kase naman last trip na..bahala na si ronie kung paano makakapunta sa simlong....
at yun excited na kami...yipee..pag dating, ako ang nakaisip ng ideya na kaunin na lang si ronie ng motor with matt- my bespren..so yun nakahiram ng motor sa kapatid ni matt...may problema pa, --kami nina shina,aybeh at ako ay nag-aagawan kung sino ang sasama kay matt..haha..sabi ko sa sarili ko,"hindi ako papayag na haindi ako ang kasama, so ginawa ko lahat ng ka-emotan ko..at yun success! ako ang nagwagi..pero syempre may guilt din akong naramdaman dahil yung dalawa..parang medyo tampurorotz ever! so wooried ako sa daan..haaay..tas pagdating namin sa SM hindi namin alam kung andun pa si ronie sa KFC kasi ayaw na kaming papasukin so nag-intay kami ng mga almost 1 hour na...around 10 na yun..hay...kinukulit na namin ang guard at nakikitext na kami pero walang kaming napagtexan..maya-maya..nakita ko si ronie..sabi ko ' matt tago..nagtago nga kami at sabay gitla kay ronie,ang saya....tapos yun joy ride ever na...tas ako, while laughing and talking on the way..may nadama ako.. anu yun?? hay naku.. minamalas nga naman nagyon pag ako nagka-period! grabeh..nang bumili si ronie ng mga makakakain..tiningnan ko sa liwanag, yuck! meron nga ako..buti na lang hindi malala stain ko! haha..nagpalibre ako kay ronie ng napkin..hehe...haha..
pag dating sa bahay..edi excited na ever sa medyo kalayuan kina maffie na pagliliguan namin..ayan may kanya-kanya nang tuwalyang bitbit..sugod na mga kapatid! around 11 na yun! takutan sa daan..awwwwoooooo...at maya-maya at totoong may naramdaman na ang mga may 6th sense..at biglang napaurong at tila nagpakita ng takot...so natakot na ren kami..pero dahil malakas ang loob namin at desididong makapag-outing ni-risk namin ang kapreng yon!At yun nga nakababa din kami sa dalampasigan..haha..gumawa muna kami ng bonfire..di pa naman malamig pero gumawa na kami, para pag umahon kami satubig eh maiinitan kami..ayun todo ligo ako kahit meron..hehe..kelangan eh..ang kinain lang namin eh biscuit, pero okei lang kase di naman nakakagutom pag kasama mu mga prends..busog na sa tawanan...naglaro din kami ng bet game tas nag consequences...ako yung kasama sa unang batch na nautusan..ang utos baga sa akin ay gumulong sa batuhan..at dahil masunurin ako edi, sumunod ako..nagka-gasgas lang naman..mga 2 'oclock in the morning na ng matulog kami..wahaha..hulaan nyu kung saan.. sa batuhan..nilatagan lang namin ng towel..hindi masarap ang pag-tulog namin..xempre masakit sa likod...maya't maya gumising dahil malamig,atsaka utot-utot yung katabi ko..hay naku...ang iba hindi na natulog..nagconcert na lang..

mga 5 na ng umaga kami umuwi..kakapagod...pagdating nag banlaw muna, ang iba eh hindi na..kaya maalat pa..haha..di na rin ako natulog dahil aalis na ang iba, nag almusal kami ng tinapay, kape at canton! ayos din!so naglaro na lang muna kami ng badminton...tas umuna sina ronie at shina...uminom pa kami ng red horse, pero ako eh tumikin lang.. mga 11 am, umalis na silang lahat ako na lang ulit yung natira...ang sarap mag stay dun ..kaya ako, para ayaw ko lageng umalis dun..

mga 3 na ako naka uwi.. .hay saya na naman...


-----------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------

cenxa na haba ng post ko,hehe..gusto ko lang may ikwento sa inyo...
 
posted by kiPay d'lakwatserah c",) at 7:38 PM, |

4 Comments:

  At 1:56 PM Blogger lheeanne said:
Ang haba nganun, kahit malamig pinagpawisan ako ah! nyahah! buti nman at nag enjoy ka! ako kc hindi ala akong bakasyon.. at ala akong kasama, lonely girl muna ako huhuhu!!!

tlga bang bagsak ako sa hula ko? nyahahaha!
  At 5:55 PM Anonymous Anonymous said:
Waaaaaaaaaa :-(, *hikbi*, miss na miss ko na ang dagat. Ang tagal ko ng di nakakapagrelax :-(. Kipay, sama ako minsan ha.. :-D
  At 11:55 PM Blogger mstwntd05 said:
hay naku! umaga mo pa yata inumpisahan post mo mag-8 mo na nai-post! hehe...kasi hindi pa tinapos kanina!nyahaha
hahaha..nabasa nyu ba lahat??hmmm...haba kase kaya di ako nage-expect na mababasa nyu lahat to'..well tnx ha...i lab yoo all..

>>>> ate tikey
>>>> mam teks
>>>> ate gLadys
>>>> kuya rai
>>>> ate rho